Saturday, August 8, 2009

Politicians’ Artists of the Philippines vs. Artists’ Artists of the Philippines






Yesterday at the rally at the National Commission for Culture and the Arts office protesting the National Artist of the Philippines title awards given to C-movie filmmaker Carlo Caparas and theater organizer Cecile Guidote-Alvarez, National Artists and sundry joined Imee Marcos and Irene Marcos-Araneta in condemning the “presidential prerogative” exercised by the Malacañang Palace in picking this year’s awardees.
     Somehow I thought something was wrong here. F. Sionil Jose and Bienvenido Lumbera, among others, voiced concern over the sacrilege. The award was now tainted, they said. It was not honorable anymore. Their argument was simple: the Palace shouldn’t be deciding on things like these, that was the consensus, if only because the Palace was wrong in picking two artists the protesters thought didn’t even deserve to be called artists.
     Here’s what I thought. I thought this has already happened before and will happen again. What happened before was a not-too-loud controversy over then-President Joseph Estradas conferring the same title on the songwriter Ernani Cuenco for the year 2000. Artists wrote emails to each other to solicit protestations against this award for Cuenco, an Estrada friend.
     I remember writing a post on this subject at Flips, a mailing list for mainly Filipino-American writers. And what I wrote was basically the same opinion I carry now (see this mailing list post, which I uploaded as a blog post here in 2000, with the necessary adaptation and updates).


And so it happens again. And it will happen again. All because we can never agree on who should be declared a National Artist and why, in the same way that professors in a multicultural university in the United States find it hard to agree on which authors can be featured in their school’s curriculum. In our case, artists as a supra-collective will have their standards, politicians (ruling and not) their own. The worldly will have their opinions, the lumpen majority their searched words. The fine arts student will be very articulate, debating a take by a bus-driver fan of a popular art’s hyped-up stalwart.
     Kumukulo na ba ang dugo niyo? Sige, mag-Tagalog na tayo.
     Ang National Artist of the Philippines title award na tinayo ni Ferdinand Marcos noong 1972 ay isa lamang sa ilang manipestasyon ng pag-na-nationalize ng anumang gobyerno at ng mga authorized” na tao sa sining. Tulad ng NCCA at Cultural Center of the Philippines, ito ay nag-iimpluwensya sa sining mismo na gumawa ng safe art, ng sipsip (sucking-up) art, at di paggawa ng mga Orapronobis (Fight for Us) o anumang hindi magugustuhan ng nasa kapangyarihan. Ang rehimen ng ruling class na nag-iimpluwensiya sa ruling party ay mag-iimbita ng mga protest art kung ito ay laban lamang sa mga nakalipas na rehimen o di kaya'y pumoprotesta sa mga kalaban niya ngayon.

photo from http://fil.wikipilipinas.org/index.php?title=Orapronobis

     Oo, mga paret mare, ang pagtalaga ng national art taliwas sa tunay na sining ng mga tao (na ayaw nating amining di natin nabibigyan ng sapat na edukasyon at tayo lamang sa mga maririwasang pamilya ang nakakaintindi sa mga National Artists na ito), at ang mismong pag-nationalize ng art, ay maihahalintulad natin sa pag-nationalize ng isang TV station. Paano kaya kung sabihin ni Gloria Arroyo na mula ngayon ay kakaibiganin na niya ang mga may-ari ng ABS-CBN at gagawaran niya ang ABS-CBN News Channel ng official tag na National Channel of the Philippines? . . .
     Bakit ba gustong-gusto nating magkaroon ng National Artists gayung meron naman tayo, o at least kaming mga karaniwang tao sa barangay? Meron tayong/kaming sariling national artists, di ba? Bakit ba gusto nating bumalik sa mga siglong ang artist ay nangangailangan ng patron na nasa kapangyarihan? Oo, kung tayo sa barangay ang hahayaang pumili ng taong ipagtatayo natin ng bantayog bilang simbolo ng ating sining, oo siguro at malamang si Caparas pa rin ang pipiliin natin. Ngunit kung yun man ang mangyari, tayo ang pumili. Walang magsasabing hindi iyon ang repleksyon ng ating kaalaman. . . .
     Unless mag-agree naman ang mga nagbabasa nito na mula ngayon ay mga artists na lang dapat ang boboto kung sino ang dapat maging National Artist. Wow. Kung iyon nga ang mangyari, ako naman ang tatayo at mag-ra-rally at magpapapadyak sa pagsabing: Alisin niyo ang salitang National. Palitan niyo ng Artists para maging Artists’ Artist of the Philippines. At mag-contribution na lang ang mga artists para sa perpetual stipend ng mga National Artists na ito at nang hindi na manggaling pa ang gastusin sa coffers ng republika, ng nasyon.
     Itoy hanggang matanggap natin ang katotohanan na, kung susuriin, ang karamihan sa mga itinuring nating National Artists ng ating bayan ay sa totooy Artists of the State (or of the Regime). At walang masama rito kung bibigyan ng angkop na titulong gayon. Dahil magkaiba po ang Estado at ang Nasyon, lalo na sa kulturang inukit ng representative democracy. At bagamat ang isang Estado sa ilalim ng isang representative democracy ay gawa at inatasan ng kanyang Nasyon na magpasya para sa lahat, malimit ding ang isang Nasyon sa loob ng isang Estadong ganito ay may kulturang di maintindihan ng kanyang elitistang Estado (na pinapatakbo ng mga elite) na paulit-ulit na ibinoto ng naloloko niyang walang-kamalay-malay na iba-ang-kulturang Nasyon. [END]


No comments:

Post a Comment