OO. PAANO na nga raw ba ang Philippine art kung walang umuusbong na seryosong art criticism o art historical writing tungkol dito? Magiging craft na lang ba at trendy commodities tulad ng mga bagong toys na pang-Happy Meal sa McDonald's? Ironic dahil ang dating itinuturing na skill lamang ng pagluluto ng Pinoy food ay tinuturing nang art ngayon!
Pero, you see, ang art critic, kasama yan sa isang tradisyon o movement. Minsan pa nga siya ang nagsisimula ng isang description ng isang phenomenon kung saan hindi alam ng mga artists mentioned na tila meron nga silang pagkakapareho ng reaksyon sa isang bagay o previous phenomenon. Ibig sabihin, lalabas ang pagiging art critic ng art critic kung kasama ang dugo njiya dun sa kanyang chinachampion. Mapapansin natin halimbawa na bawat critic sa Artforum ay may hilig-to-write-about at hindi magsusulat tungkol sa ibang art. Kumbaga, fan din siya. Ang Artforum mismo ay isang publication na may kinikilingang mga art trends, may sariling mga chinachampion, in the same sense na ang NME o ang Rolling Stone ay may kanya-kanyang chinachampion o kinikilingang music trends. In that reality's sense, criticism does not only carry on as a career, it carries on as a missionary post from someone na gustong makipagpatayan in defense of a trend or movement they feel they have to champion. In the Philippines kasi, ang mga nagchachampion ng persona or image trends ay mga dealers, at kumukuha na lang sila ng writers na maaaring wala namang simpatya doon sa isusulat nila. Yun ang problema, pag ang tastemaking ay di nanggagaling sa isang art critic-cum-fan, kaya nananatili lamang unwritten (or written as PR blurbs).
So, ano ang puwedeng gawin ng art world laban sa ganitong kakulangan? Sa tingin ko simple lang. Ang artist mismo ang lalabas upang magpaliwanag sa kung saang tradisyon siya nanggagaling, ano ang kanyang direksyon, ano ang mga bagay na wala siyang pakialam. Sa ilang mga galleries sa ibang bansa, ang exhibition catalogue ay hindi lang listahan ng mga pieces na may intro ng isang hired hack, madalas narito rin ang mga gustong sabihin ng artist, in their own words, in their language, in their own style of writing, whether in little quotations o in verse. Kung kayang magsulat ng stylish na thesis ang isang pagraduate pa lang na painting student, kaya ng established artists na magdisenyo ng kanilang sariling catalogue o guide para sa kanilang art, hindi lang in visual terms kundi also in terms of textual insistence.
Pero qualified ba ang artist na maging sarili niyang "critic" o "art historian"? Bakit hindi? Kung ang mga grunge na banda noong 1990s ay may tapang na magsabi sa harap ng kamera na gusto nilang iwasan ang kalokohan at cliches ng nagdaang glam rock both in their daily lives and in their music art, bakit hindi kaya ng isang Pinoy artist na sabihin kung ano ang kanyang gustong i-explore sa bago niyang koleksyon at ano ang gusto niyang iwasan? Of course ginagawa na ito ng ilan sa ating mga artists, minsan pa nga in words na hindi ko maintindihan. Pero ang importante kasi sa ngayon ay maipaliwanag ng artist ang kaniyang presence o modest significance. Kung sa writing ang sabi ay "don't write if you have nothing to write about," then sa painting maaaring ganun din: don't paint if you have nothing to say to the tradition you belong to (as, anyway, even a mere tribute to somebody else's art is already saying something, one only has to articulate it or visually clarify it). Kung ang isang drummer ay kayang magsabing kinombine niya ang drumming style ni Neil Peart sa comping patterns ng jazz para sa sarili niyang drum-based compositions, kaya rin ng isang artist na sabihin kung ano ang ginagawa niya sa bago niyang mga piyesa o exhibit. Sa ganitong paraan, oo't hindi nga natin masasabi na siya'y nagiging art critic na, pero siya'y nagiging art historian ng genre niya in lieu of an absence of art historians who presently are either nowhere to be found, too busy doing other things, or simply don't seem to give a crap. Sino pa nga ba ang tutulong sa artist kundi ang sarili niya? Sino ang tutulong sa mga araw na ito sa mga tulad nating ayaw mawala ang sense for art history and tradition/s kundi ang mga sarili natin? [P-CA]
No comments:
Post a Comment