Nora Aunor
|
NARITO na naman tayo. Nakakalimang blog na ako sa buwisit na temang ito, ngunit nandito na naman ako.
Pa’no naman kasi, may listahan na namang inilabas para sa National Artist of the Philippines Award (na bibigyan ko rito ng acronym na NAOTPA) ang National Artist of the Philippines Award committee ng Cultural Center of the Philippines (CCP) at National Commission for Culture and the Arts (NCCA) at tila may gulo na naman. Sa mga pangalan na isinumite ng kumite (na inatasang gumawa ng listahan para sa award na ito), may isang nilaglag ang taga-aprubang Opisina ng Pangulo ng Republika ng Pilipinas. Nilaglag daw si Nora Aunor sa listahang isinumite.
May ibinigay raw na dahilan ang MalacaƱang sa paglaglag, subalit ayokong patulan ito (kahit pa man sumagi sa aking isipan na baka ayaw lang ng estado na mabigyan ng isang tax-funded na award ang isang minsan pa'y naging simbolo, ayon sa estado, ng tax evasion). May kumuwestiyon sa dahilan na ibinigay ng MalacaƱang, pero ayoko ring patulan ang pagkuwestiyong ito. May mga panukala rin sa ilang sektor na baguhin na ang rules sa pag-award, at isa na rito ang tungkol sa pagbawas ng kapangyarihan ng Pangulo sa mga listahang isusumite ng kumite. Kahit ang panukalang ito, di ko rin pinansin. Ano pa nga ba ang magagawa ng ordinaryong Pilipino na tulad ko kundi ang magbuntong-hininga na lamang.
Ang pinansin at pinatulan ko ay ang survey na pi-nost ng kaibigan ko sa Facebook na si Simkin de Pio, gallery owner. Sa post ni Ka Simkin sa Facebook group o community na ArtPhilippines, nanghingi siya ng boto ng mga miyembro ng grupo—mga artists, critics, art lovers, atbp. At ang virtual title ng post niya ay ito: ArtPh asks – The National Artist Awards: To Scrap or Not to Scrap, and Why?
May tatlong pagpipilian sa post na ito ni Ka Simkin: 1) NO, I don’t think the National Artist Award should be scrapped, because…; 2) YES, I believe the National Artist Award should be scrapped, because…; at 3) MAYBE, who cares? It’s all politics and I reserve my right to abstain, because… Sa comment box, maraming nagbigay ng kani-kaniyang dahilan o di kaya ay disclaimer.
Halimbawa, ang Facebook friend kong si Jonathan Benitez, Palawan artist na bumoto ng YES to scrapping the award, ay nag-offer ng kanyang mungkahing ito: "We need more art education and promotion and art critics."
Na-engganyo akong mag-comment sa post matapos kong bumoto rin ng “YES to scrapping the award,” hindi lamang dahil Facebook friend ko si Ka Simkin, ngunit dahil isa ako sa tatlong ti-nag ni Ka Jonathan sa tanong niyang ito: “Curious lang ako, sir Pandy Aviado, bay Simkin de Pio, at Jojo Soria de Veyra. Bakit bata pa na-declare si Arturo Luz as National Artist? (And some people) don’t have a clue about him.”
Di ko sinagot ang tanong ni Ka Jonathan tungkol sa edad ng mga naparangalan sa mga nagdaang taon ng NAOTPA, at di rin ako nagbigay ng general backgrounder tungkol kay Luz na maaaring magsilbing depensa sa worthiness ng conferment dito. Si Ka Simkin na ang nagbigay sa mga kaibigan ni Ka Jonathan ng backgrounder na iyon. Ang sinagot ko kay Ka Jonathan ay ire lamang:
ANG NASYONAL SA NASYONG ITO
“Yun talaga ang point, pareng Jonathan. Marami sa mga kababayan natin sa ating nasyon (as in ‘nasyonal’) ay walang clue tungkol sa mga nananalo o napararangalan. Maaaring ako ay may clue at maaaring saludo ako sa artist na napaunlakan, subalit dahil hindi ako statist kundi populist, hindi ko sasaluduhan ang prosesong statist o maka-state at hindi naman totoong maka-nation. Hindi isyu ang kung deserving ng honors o hindi ang isang naparangalan, ang isyu ay kung dapat bang mag-impose sa isang nasyon ang isang state ng ituturing nila (ng nasyon) bilang kanilang ‘nasyonal’ na artist. At dapat bang buwisan ang nasyon (kasama ang mga artists dito) para masuportahan ang tinuring na artists ng estado? Mapapansin mong ang mga bansa (o di kaya gobyerno) lang na may statist na persuasion ang may mga national artist conferments, Turkey halimbawa.”
Sabi naman ng well-recognized na artist na si sir Buds Convocar, “Kapag ganyan naman ang naging basehan, baka mas maraming maging NA awardee na comics illustrators kaysa sa mga painters at sculptors—di kaya?” At may mahalagang point ang rhetorical question na ito ni Ka Buds na seryosong concerned sa quirks ng populism. Totoo nga namang mas maraming tao ang nagagalingan sa drowing ng mga comics artists kaysa sa painting ng mga minimalists. Babalikan natin ang isyung yan.
Ang sunod namang tanong ni Ka Jonathan ay, “Ang Presidential Medal of Merit awardee ng US ba, walang monthly stipend, Jojo Soria de Veyra, Buds Convocar?”
Sagot ko, “Di ko alam na may presidential medal of merit ang US, pre. Ang alam ko lang yung dating Medal for Merit na hindi naman para sa arts. Wala na yata yun.”
At sa rhetorical concern ni Ka Buds, ito ang inoffer kong take: “Ang punto ko lang naman kasi, ang nasyon ay mayroon nang national artists (na naging national ayon sa kaniyang kultura at hindi ayon sa kultura ng minority elite) na hindi na kailangan pang bigyan ng capital letters para maging National Artists. Bakit ba kailangan maglaan ng tax money ang mga taga-estado para magbigay ng capital letters sa iilang artists na ‘nasyonal’ daw, nasyonal ayon sa kanilang pananaw sa konseptong ‘nasyon’ o di kaya ayon sa kanilang utopia ng kung ano dapat ang hugis ng kultura ng ating nasyon. Bilang isang demokratikong mamamayan at advocate ng democracy, hahayaan ko na ang pagiging multicultural ng ating nasyon, kaysa naman ipagpilitan ko sa inyo—kung ako na ang poderoso—ang mga kinagigiliwan kong artists na siyang maging Artists ng nag-iisa ang kultura nating Nasyon. Unang-una, ang Pilipinong ‘nasyon’ ay isang mito, isang myth.”
Mas mabuti bang tawagin na lang nating Artist of the State Award ang NAOTPA, para klaro at di na magkagulo?
ANG NASYON NG PRIBILEHIYO
Maraming naging comments galing sa ibang members sa posted survey na ito ni Ka Simkin, both pro-NAOTPA and anti-NAOTPA. Ilalagay ko na lang dito ang aking mga naging sagot sa ilang mga mungkahi.
Halimbawa, sa mungkahing dapat alisin na ang pribilehiyo ng Pangulo na pumili ng awardees mula sa listahan na isinumite ng NAOTPA selection committee, gayunman ang pribilehiyo nitong gumawa ng sarili niyang listahan, ang masasabi ko ay ito: Kung dapat walang ganitong pribilehiyo ang Pangulo ng nasyon, sino dapat ang may ganitong pribilehiyo? Ang Unyon ng mga Artistang Pilipino sa People's Republic of the Philippines? isang konsehong binubuo ng mga matagumpay na artists na magdedesisyon din para sa milyun-milyong tastes at appreciation ng milyun-milyong elemento ng nasyon?
Tuwing may mga pararangalan sa NAOTPA, nagkakagulo ang nasyon ng mga artists at art lovers at media dahil sa iisang katotohanan: ang nasyon natin ng milyun-milyong Pilipino ay may kaniya-kaniyang gustong magawaran ng NAOTPA, kung kaya’t madalas ay minumura na ng ilang bahagi ng ating multicultural na nasyon ang kumite na inatasang pumili dahil sa kaniyang mga pinili o hindi pinili, gayunman ang Pangulo na nag-apruba, di nag-apruba, o gumawa ng sarili niyang listahan. Ang point ay ito: ang bawat indibidwal sa ating nasyon ng milyun-milyon ay may peyborit artist. Ngunit sa nasyong ito, ng milyun-milyon, may kumite ng estado na may last sey at may hawak sa NAOTPA. Entonces, sa NAOTPA, ang kumite ang nasyon, hindi ang totoong nasyon ng milyun-milyon.
Sa Soviet Union noon, may Union of Soviet Writers na nagdedesisyon sa kung sino—officially—ang ituturing na magaling at mahusay at sino ang ituturing na pangit o walang kuwenta ang mga sinulat. Kasama si Aleksandr Solzhenitsyn do'n sa mga itinuring na pangit. Ito ba ang union na gusto nating itayo, o hayaang nakatayo, sa ating nasyon ng mga artists at art lovers?
Ngunit may paraan naman daw para di maging hawak sa ilong ng estado ang kumite na itatayo, o nakatayo na. Para hindi ito maging beholden sa Pangulo o ruling party, may isusulat na bagong rules. But the fact is that any state institution always finds itself beholden to the leader of the state! And whenever and wherever it isn’t, it is only able to do so because of the presence of something else it can alternatively be beholden to, something other than the President, an opposition Congress, halimbawa.
Maaari ba tayong makapagtayo ng isang state arts council na walang “impure motives” na magpapatakbo ng NAOTPA? Again, impure motives, obvious or sublime, will always be present in state sponsorship of artists and art-making, for the simple reason that the use of state funds for state favouritism is already impure from the start.
ANG NASYONALISTANG NASYON
Sa isyu ng nasyonalismo naman na nasa likod daw ng NAOTPA at sa pagpapalakas daw ng mga simbolo sa adhikaing ito, isantabi na muna natin ang problema ng mismong ideyalismo ng nasyonalismo bilang adhikain ng puso sa kabuuan nito, ang problema nito halimbawa sa pagiging crude (kapag nasa ngalan ng local o indigenous) o pagiging threatening (kapag nangingibabaw ang isang ‘Filipino ang art ko, banyaga iyang sa iyo’ o ang isang ‘buy Filipino art only, down with imported art’ na tibok ng puso nito).
Iwanan muna natin ang epekto ng nasyonalismo sa trade economics at magfocus na lang tayo sa isang kategorya sa arts, sa visual arts, halimbawa. Maraming art contests ang may hangarin na tulad ng sa NAOTPA, ang palawigin ang sense of national pride and identity sa pamamagitan ng recognition para sa mga visual artists na nakagawa na ng kanilang di-matatawarang mga kontribusyon sa arts ng bansa. Hindi ko nga lang alam ngayon kung paano ito makatutulong sa pagbibigay sa ating mga kababayan ng ambisyong isulong ang kanilang mga sarili tungo sa dakilang landas ng ingenuity, social significance, at economic progress. Dahil kung tayo ay talagang seryoso sa hangaring ito, doon na ako ke pareng Jonathan sa sinabi niyang solusyon sa kakulangan ng ambisyon: “We need more art education and promotion and art critics.”
Not necessarily professional art critics kundi art criticism exchange between artists and art lovers. Yun! Art criticism exchange. Hindi pag-aagawan ng medalya at trophy na may malabo o pantastikong pahalaga! Baka sa art education pa nga natin makita ang mga kakitiran sa mismong ideya ng “nasyonalismo.”
PAGLABU-LABO NG NASYON
Isa pa, alam natin na ang estado ay hindi parati para sa nasyon, kaya minsan ninanais natin na ang nasyon ay maging ang estado.
Pero, ganun talaga. Di natin maaalis ang katotohanang may mga artists na hinihingi ang presensiya ng estado sa larangan ng sining, habang may mga artists naman na mas hiling ang di pakikialam ng estado sa larangang ito.
Ang ibang artists nag-i-struggle na hindi makialam ang estado sa artmaking nila o sa kanilang artform o genre. Ngunit may panig ng artists naman na nagdedemand ng pakikialam (o suporta) ng estado sa mga artists. Siguro nga hindi ganun ka-obvious ang lalim ng difference na ito dahil nakatira tayo sa isang democracy kuno. Siguro mas magiging obvious ang lalim ng difference na ito kung nakatira tayo sa isang diktadurya o komunistang bansa. O di kaya pag napakialaman na ng estado (o ng taxpaying nation, for that matter) ang art natin at di natin nagustuhan ang pakikialam.
Naroon ang “bipolarity” na ito, ang duwalismong ito, sa kahit saang lugar na may state sponsorship sa art activity o di kaya artistic achievement. Ang National Endowment for the Arts ng Estados Unidos, halimbawa, ay nananatiling isang contentious na programa na pinaglalabanan ang control ng mga konserbatibo at ng mga liberal sa naturang bansa. At dahil kadalasa’y liberal ang arts sa Estados Unidos, di nakapagtataka na ang mga sigaw ng pagbuwag ng NEA ay nanggagaling sa mga konserbatibo.
Ngunit sa bansa natin, may isa pang duwalismong nangingibabaw maliban doon sa pagitan ng mga artistang maka-estado at artistang libertaryano. Sabi ni Ka Jonathan, “correct me if Im wrong, pero maraming National Artists na di kilala ng ordinaryong tao. Mas kilala si Justine Bieber at Mommy Dionesia (Pacquiao). Bakit kaya, ano ang problema?”
Nung sinabi ni Ka Jonathan na kailangan ng bansa ang pagpapalawig ng arts education sa mga eskuwelahan at sa exchange ng mga artists at art lovers, nasagot na niya mismo ang sarili niyang rhetorical question na ito na kahawig nung tanong ni Ka Buds. Ang isyung ito ay tumatalakay sa duwalismo, o polarity, na namamagitan hindi lamang sa gitna ng mga maka-estado at libertaryano kundi rin sa gitna ng mga may nalalaman at walang masyadong alam. Pinalawig ko ng kaunti ang argumentong ito ni Ka Jonathan, para sa tenga ng iba, ng ganire:
“Oo, Ka Jonathan, ang national artists ng masa at national artists ng elite ay nagpapakita lamang na hindi iisa ang nation natin. Makikita mo na walang ganung pagkakaiba, sa gitna ng mayaman at mahirap, sa mga bansang iisa ang kultura, at ito’y dahil sa pantay-pantay na edukasyon o oportunidad sa edukasyon. Tulad ng Japan, halimbawa.”
ANG (DI-)PAGHUPA NG LABU-LABO
Bakit ba naisip ni Ka Simkin ang ganitong survey posting? Marahil dahil sa may naririnig na siya sa paligid na mga mungkahing i-abolish na nga ang NAOTPA.
Abolish? Bakit? Pa’no pa tayo magkakaroon ng great names sa dingding at kisame ng ating mga maka-sining na isipan kung itatapon na ito sa basurahan?
Subalit, teka. Ang daming great names sa arts na hinahangaan natin, maging dito sa ating bansa o sa ibang bansa. Marami sa mga banyagang great names na hinahangaan natin ay walang "National Artist Award" sa kanilang bansa, at tila hindi nila kinailangan.
I say let us be men and women of artistic success, thanks to the national market, rather than men and women of artistic success, thanks to the State! Dahil hindi kaya na ang dahilan kung bakit nagbibigay ang state ng isang national award (actually isang state award) ay para mapag-isa niya ang isang nasyon na alam niya ay hindi nagkakaisa? Plastik, kung ganun.
State awards are a State’s affirmation of value. To a nation, folk singer-songwriter Gary Granada's efforts to infuse his personal and aesthetic values into the culture of his people, for example, might be the more noble, the more nationalistic product, no, popularly noble and nationalistic product as against the exclusively noble and only quasi-nationalistic product. Unless, of course, we define “noble” from the royalist perspective or metanarrative, which would be the perfect rationalization for the elitism in our nation’s supposedly “national” arts.
At kung babalikan ko lang ang tinalakay nating goals o objectives ng mga ganitong award na may adhikaing pang-lipunan kuno, tingnan na lang natin ang Palanca contest. Nagkaroon ba ng literary culture ang buong Pilipinas dahil dito? Hindi. Dahil plastic ang mga ganitong paraan. Hindi tayo magkakaroon ng national pasalubong kung hindi ka magtatayo ng real-life doughnut shops sa bawat kanto at magbibigay ka lamang ng Best Doughnut Award para sa produktong hindi pa nakikita kung kaya’t di maapreciate ng tao. Hindi national bookstore ang National Bookstore kung wala itong virtual monopoly sa pagtitinda ng notebooks at tech pens at Grumbacher oils at binigyan lamang ng award kahit wala ito sa mga paborito nating malls. Sa ngayon, may dibisyon sa pagitan ng elite na nakakikilala sa mga artistang naparangalan at ng nasyon na walang kaalam-alam.
Magiging patuloy na huwad ang lahat ng bagay na itinuring nating “national” hanggat di natin natatanggap itong dibisyon at pagkakaiba.
Wala naman kasing masama sa division at difference kung hindi ito itatago, at i-aacknowledge na nariyan, at hindi ituturing na negatibo kundi positibo. Ang problema natin ay pag may nagsasabi, sa ngalan ng pagkakaisa, na ang gusto niyang si Chick Corea ay dapat papalakpakan din ng mga mahilig sa death metal o fliptop. Pag ang ganitong attitude ay nasa national scope, mas sakit sa ulo, dahil siguradong may aangal sa pandidikta.
Subalit, teka, sino ba ang nandidikta?
May nagsasabi na kapag pribadong award body, ang mga desisyon nito tungkol sa award ay prerogatiba ng pribadong institusyon, hindi pandidikta. Matatawag mo lamang na pandidikta kung galing sa estado, sa simpleng dahilan na ang mga galaw at desisyon ng estado ay pinopondohan ng buwis ng tao at ang pagbayad ng buwis ay idinidikta sa tao bilang obligasyon nito.
So, hayaan na lang ba dapat na private institutions na lang ang magbigay ng art awards tulad ng Carnegie Art Award, o ng architecture prizes tulad ng Pritzker Architecture Prize? Dahil, oo nga naman, hindi magandang tingnan na ginagamit ang public fund para sa state patronage ng mga arts people. Ang Sweden nga na isang constitutional monarchy ay pinauubaya ang mga ganitong awards sa mga private institutions tulad ng Nobel. Bakit ba napaka-government-obsessed o state-reliant nating mga Pinoy, e alam naman nating divided tayo at multicultural at di magkakaisa sa iisang taste dictum, lalo na kung taste dictum galing sa Estado?
At bakit nga naman kasi kailangan pa ng garbo tulad ng free hospitalization para sa awardees, e may kaya na naman ang karamihan ng nanalo at naparangalan? Samantala, ang majority ng Pilipino (at Pilipinong artists) na nagbabayad ng cultural tax ay di kaya magpaduktor. Ironic. Tila mas royalista pa tayo kaysa sa mga Swedish. . . .
There are actually presently two competing powerbrokers in the arts—the State, on the one hand, and the private art industry, on the other. Some artists get patronage from both, others sa isa lang. Ako, bilang ordinaryong miyembro ng audience, nagbabayad ng ticket para ma-entertain ng private art industry, at nagbabayad ng ticket at nagbabayad din ng buwis para ma-entertain ng State art industry. Nga pala, bilang makata, nagbabayad din ako ng buwis para suportahan ang mga kapwa ko makata na ini-sponsor ng State.
Hindi kailangan ng NAOTPA para may tingalain tayong mga artista ng nasyon o bayan. Walang national artist award si Picasso o si Ezra Pound o si Sid Vicious. In fact, it has been a reliance on such plastic contrivances of national valuation that has led us to ignore what is really needed para tingalain ng nasyon o ng bayan ang mga kahanga-hangang gawa ng ating mga artista.
In fact, mayroong ebidensya na walang nagreresultang totoong pagtingala ang nasyon sa mga National Artists dahil naituring silang National Artists. Halimbawa, marami akong kilalang nakakikilala sa pangalan ni Jose Garcia Villa at pumapalakpak sa pangalan niya (proud sila na may isang Pilipinong nagtagumpay sa larangan ng pagtula na tulad ni Villa) kahit wala ni isang tula mula kay Villa pa silang nababasa. Ganun ang kulturang nabubuo ng isang plastik na pagiging maka-nasyon, o sa plastik na pagturing sa isang artista bilang artista kuno ng nasyon.
Maganda ang naidudulot ng NAOTPA sa mga naparangalan nito in terms of adulation. Ngunit ang tanong ko uli: maganda ba ang naidudulot nito sa “nasyon” na siyang salitang ginagamit sa titulong ito? Ang tanong ko uli: nauuwi ba ito sa pasilitasyon ng pagbabasa ng mga nobela ni F. Sionil Jose o hindi? Pumapalakpak ba ang nasyon sa pangalan ni Jose kahit wala pa itong nababasang nobela niya? Kung gayun, walang saysay ang investment na ito.
In contrast, walang National Artist of the Philippines Award si Granada. Ngunit kanino ang gawang mas kilala ng nasyon, ang sa kanya o ang mga nobela ni Jose? Sa tingin ko mas laganap ang pagkakilala sa ilang mga awitin ni Granada, bagamat hindi gano'n kalaganap dahil indie ang production niya, hindi major-record label produced and marketed, major-label distributed lang kung minsan. Sa case ni Jose, mababaw ang appreciation ng nasyon sa art ng nobela, kahit pa sa akademismo ng mga estudyante ng mga akademya. . . .
Gary Granada
|
So, mayroon kayang mas makahulugang investment ang estado kaysa sa mga gimmick tulad ng NAOTPA? Oo naman. Unang-una, nasa kaniya na ang kapangyarihan na humubog ng kurikulum sa edukasyon. Ituturo niya ba ang mga elemento ng arkitektura o ituturo lang niya ang mga pangalan ng mga dakilang arkitekto sa pamamagitan ng awards? Bilang taxpayer, doon na ako sa una.
In contrast, “In Japan,” commented painter Marcel Antonio, “there's no confusion when someone is declared a Living National Treasure. The award carries with it a sense of protecting or preserving a techne that embodies what is essentially and quintessentially Japanese, in the same way nature is preserved from extinction. It is the technique of pottery, a way of doing things, an ethos that is glorified, not the individual artist himself/herself.”
At sino ba itong mga pinarangalang mga National Artists sa taong ito? Ano ang techne na ginoglorify sa pamamagitan ng paghirang sa kanila? Ano ang value ng mga techne na ito sa nasyon?
Si Gat Cirilo Bautista ang isa sa mga pinarangalan ngayong taon. Isa rin siya sa iilang Pilipinong makata na maituturing kong may malaking impluwensiya sa sarili kong pagsulat ng tula, whether he’d like reading that pronouncement or not when he reads it. Sa valuation ko, isa na siyang national artist sa Jojo Soria de Veyra Nation. Sige, bibigyan ko pa ng capital letters ang “national” at ang “artist” title niya sa republika ko. Subalit, ito ang isyu ngayon: nung magpunta ako kanina sa palengke at bumili ng kalahating kilong manok, at ibinalita ko sa suki ko na nagawaran na nga ng National Artist of the Philippines Award si Gat Bautista, tanong ng suki ko: “ha? sino? Sino yun? Ano ba yang national artist reward na yan?” So much for national artists of nations.
Kung may hangad akong karangalan para sa mga idol ko sa poetry o sa painting o sa music o sa architecture, para sa akin ay mas malaki at makabuluhang karangalan ang makita ko ang mga pangalan nila na kasali sa mga kinover ng textbooks kaysa sa makita ko lang sila sa roster ng NAOTPA na di makikilala ng tao o di maiintindihan ng tao ang kanilang cultural at aesthetic value.
“Dito sa atin,” comment ng artist at gallery owner na si Ka Alfredo Liongoren, “dahil na- Hollywoodized ang kukuti natin, ginawa nating STAR ang mga may katangiang EHEMPLO NG LAHI, deviating attention away from their virtues for emulation and focused instead on their persons. We’ve cultivated a personality cult which has endorsement value for consumer products.”
Tumpak. Parang ganun din yata sa industriya ng pulitika natin.
ANG MANANALO SA LABU-LABO
Ngayon, sa kalagitnaan ng mga comments sa post ni Ka Simkin, napansin ni Ka Simkin mismo ang mahigpit na labanan ng YES at NO votes.
Ang sabi ko, “Ka Simkin, I predict that the negative (NO to scrapping) vote will win. We have always been a socialist nation desirous of state interference. Until the day, of course, the state interferes with our art. Even then, baka hindi pa rin.”
At doon naman sa mga bumoto ng MAYBE, di ako naniniwala na kulang sila sa pusong-pakikialam sa mga laban ng bayan. Di naman siguro. Paniniwala ko’y di lang nila na-re-realize na galing sa kanilang ipinagkait na buwis ang pinag-paparty ngayon ng isang winner na ipinambili nito ng Cristal. They must know that this is a major concern to them as far as their 20% income tax payment and movie-ticket cultural tax payment, not to mention 12% VAT payments, are concerned.
Now, the reason why I predicted a win for the NO-to-scrapping-the-NAOTPA vote is because matagal ko nang nakikita ito sa kahit saang probinsiya man ako magpunta. Ayoko sanang maniwala na damaged ang culture natin pag banyaga ang nagsasabi, subalit may damage akong nakikita sa sarili kong mga mata sa pananaw pa lang natin sa konsepto ng demokrasya. Sa aking mga nakikita, ang demokrasya sa marami nating kababayan ay “ang kalayaan kong magsalita na dapat wala sila.” Ibig sabihin, “dapat ako lang ang may kalayaang magsalita at mapakinggan, wala akong responsibilidad na makinig sa ibang nagsasalita.” Marami sa ating mga kababayan ang may ganitong sakit.
Ganito rin tila ang anatomya sa paniniwala ng maraming artists na galit na galit sa gobyerno pag walang suporta itong ibinibigay sa propesyon ng sining o ng artista o sa taga-sining o artista na idols nila. Maliban sa wala silang pakialam sa pagkawalang-suporta rin ng gobyerno sa ibang malayang propesyon, halimbawa sa propesyon ng panadero o ng karpintero o ng accountant o ng welder, marami sa kanila ang naniniwalang mayroong obligasyon ang gobyerno sa kanilang practice. Ito lang ang problema: kapag pinauunlakan sila, sila'y nagiging masaya; subalit kapag iba ang napauunlakan, ipinahihiwatig nila na di nila maintindihan kung bakit iba ang napaunlakan. Ito ang problema sa likod ng walang-katapusang gyera ng artists kontra artists sa ating bansa.
Ito ang puno't dulo ng isyu kung bakit hindi dapat nakikialam ang estado/gobyerno (gamit ang buwis na pera galing sa lahat) sa propesyon ng ilang artista o sa pag-value o di pag-value sa kanila. Hindi ito dapat nakikialam sa propesyon nila, tulad ng hindi nito pakikialam sa propesyon ng mga nagluluto ng adobo sa carinderia ni Aling Nena at sa sabungan ni Mang Kepweng. . . .
“Hay,” sabi ko, sa aking pagbuntong-hininga. Gayunpaman, ako'y susunod sa prinsipyo ng demokrasya na nagsasabing ang boto ng nakararami ang masusunod. Kung gusto ng nakararami na bumoto sa pagkain ng tae habang nagrereklamo sa amoy nito sa bibig, wala akong magagawa kundi respetuhin ang kanilang piniling buhay, kahit pa sikreto kong pagtatawanan ang damage sa lohika ng pinili nilang buhay-gyera. [JSV]
- photo kay Cirilo Bautista hiram galing sa http://culturalcenter.gov.ph/press-room/2012-gawad-ccp-para-sa-sining-awardees-named/
- photo kay Gary Granada hiram galing sa http://www.pep.ph/news/20768/gma-network-and-gary-granada-issue-new-statements-over-jingle-controversy