ANG specific arts and art practices walang problema sa kanilang mga sarili. Wala naman usually problema sa mga bagay na yan, tungkol sa kanilang pagiging art, until may nagta-tackle sa art as a whole at nagdedeklarang ang isang uri ng art ay art at ang isa ay hindi.
For instance, pag may nagsasabing painting na may drawing lang ang tunay na art at ang abstract painting ay hindi, o di kaya na ang installation art o bricolage art using found objects ay hindi, dyan nagkakaroon ng problema.
In fact, kahit sa painting palang marami nang sub-arts, if you will, at may mga nasa mother art o sa isang sub-art nito na hindi nakakaintindi sa isa pang sub-art ng mother art na ito. Ibang practice ang minimal art, halimbawa, and superior minimal art practices were not easy intellectual practices. Of course easy sila sa ignorante. At ang sub-art na minimalism naman, meron ding sub-sub-movements.
Bawat sub-sub-art ng sub-art ng isang art practice ay may sariling lexicon na madaling pagtawanan kung di natin alam ang lexicon na ito at ang concerns nito. Kaya maaari tayong matawa pag may nagmumura sa free jazz na mga practitioners ng psychedelic pop, o mga French cuisine art practitioners na feeling high above creative norimaki art.
The best way to criticize a product or practice of a sub-sub-sub-art of a sub-sub-art of a sub-art of an artform is to thrash it through its own lexicon. Criticize art punk or avant-garde metal or gothic fashion or Turkish fusion cuisine, for instance, not from the lexicon of grind or glam rock or ramp punk fashion or Thai cuisine, each of which latter sub-sub-sub art practices may know practically nothing about the concerns of those former. [AP-CA]

No comments:
Post a Comment